Tefal TW5376HO Vac cleaner compacteo ergo cyclonic

User Manual - Page 40

For TW5376HO.

PDF File Manual, 44 pages, Read Online | Download pdf file

TW5376HO photo
Loading ...
Loading ...
Loading ...
42
Pagtanggal sa pakete
Alisin sa pakete ang iyong appliance, itago ang iyong warranty card at maingangat na basahin ang mga tagubilin
sa paggamit bago gamitin ang iyong appliance sa unang pagkakataon.
Mga tip at pag-iingat
Bago ang bawat paggamit, dapat ganap na mailabas ang kurdon.
Siguruhin na hindi ito maipit o sumabit sa matatalas na bagay.
Kung gumagamit kg ng extension cord, siguruhin na nasa perpektong kundisyon ito at angkop ito sa lakas ng
iyong vacuum cleaner.
Ang iyong vacuum cleaner ay may aparato upang protektahan ang motor sa sobrang init. Sa ilang mga kaso (pag-
gamit ng power nozzle sa mga silya, atbp.), ang aparato ay masisimulan at maaaring may kakaibang ingay. Walang
problema ito.
Huwag galawan ang vacuum cleaner sa paghila sa kurdon, ang appliance ay dapat ilipat gamit ang pangbuhat na
hawakan.
Huwag gamitin ang kurdon upang itaas ang appliance.
Huwag kailanman alisin ang saksakan ng appliance sa paghatak sa kable.
Huwag kailanman paganahin ang vacuum cleaner nang wala ang sisidlan ng alikabok (13) at walang kapsula ng
HEPA filter (14): itim na foam filter (14a) at HEPA filter (14b).
Gumamit lang ng mga orihinal na Tefal filter.
Gumamit lang ng mga orihinal na Tefal aksesorya.
Sakaling nahirapan kang kumuha ng mga aksesorya at filter para sa vacuum cleaner na ito, makipag-ugnayan sa
serbisyong pangkostumer ng Tefal.
Ihinto at idiskonekta ang iyong vacuum cleaner matapos ang bawat paggamit.
Laging ihinto at alisin sa saksakan ang iyong vacuum cleaner bago mentinahin o linisin.
Ang appliance na ito ay hindi nilalayong gamitin ng mga tao (kasama ang mga bata) na may kapansanang pisikal,
sensory o pangkaisipan o ng mga taong walang karanasan o kaalaman sa mga naturing na aparato, maliban kung
pinamamahalaan sila ng tao na responsible sa kanilang kaligtasan o nakatanggap ng mga tagubilin kung paano
gamitin ang aparato. Kailangan pamahalaan ang mga bata upang masiguro na hindi nila paglalaruan ang ap-
pliance.
Pag-assemble ng mga bahagi ng appliance
Maayos na itulak ang flexible hose (19) sa bukasan ng suction (9) at pihitin hanggang mag-lock - pig.1.
Upang alisin, pihitin sa kabilang direksyon at hatakin - pig.2.
Kung telescopic na tubo ang vacuum cleaner mo * (20): itulak ang pang-ayos na pihitan pasulong, hatakin ang
nais na haba palabas at pakawalan ang pindutan upang i-lock pig. 3a. Kung hindi, pagsamahin ang dalawang
mga tubo* (21), bahagya itong pihitin – pig. 3b.
Ipasok ang nais na aksesorya sa dulo ng tubo:
- Para sa mga rug at carpet: Gamitin ang attachment para sa lahat ng sahig (22) sa nakapasok na posisyon ng brush
– pig. 4.
Mga karaniwang aksesorya:
19. Flexible na hose na may hawakan at mekanikal na
power regulator
20. Telescopic na tubo*
21. Mga Tubo*
22. Kasangkapan para sa lahat ng sahig
23. Kasangkapan para sa matigas na sahig*
24. Slot tool na attachment na nagiging brush*
25. Pang-muwebles na kasangkapan*
26. Turbobrush*
27. Maliit na turbobrush*
3. BAGO UNANG GAMITIN
4. PAGGAMIT
* Ayon sa modelo: ang mga sistema ay partikular sa ilang mga modelo o mga aksesoryang makukuha bilang
opsyon.
TE_ASPIRATEUR_COMPACTEO_ERGO_CYCLONIC_903086-01_903086 03/05/12 16:36 Page42
Loading ...
Loading ...
Loading ...